dzme1530.ph

PCG, iniimbestigahan kung sinadya ang pagbangga ng dayuhang barko sa bangkang pangisda ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc

Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) kung aksidente o sinadya ang pagbangga ng dumadaang foreign commercial vessel sa isang Filipino fishing boat sa Bajo de Masinloc na ikinasawi ng tatlong mangingisda.

Ayon sa PCG, tanging MV Pacific Anna ang dumaan sa lugar kung saan nasa loob ng Philippines Exclusive Economic Zone ang FB DEARIN.

Inaasahang matutukoy din sa pagsisiyasat kung sadyang iniwan ng oil tanker ang mga Pilipinong mangingisda nang hindi sila tinutulungan.

Sinabi ni PCG Spokesman Vice Admiral Armand Balilo na sa ngayon ay mahirap magturo, at ang kailangan ay matapos nang mabilis at malawak ang kanilang imbestigasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author