Umabot na sa 4-M ang international tourist arrivals sa bansa.
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco sa Senado sa gitna ng pagdinig sa kanilang proposed 2024 budget.
Sinabi ni Frasco na hanggang nitong October 3, 2023 ay mahigit 4-M o 84.72% na ang inbound arrivals sa Pilipinas at malapit nang maabot ang target na 4.8-M international tourist arrivals bago matapos ang taon.
Ito ay halos dalawang beses ang itinaas mula sa 2.65-M na international arrivals sa bansa noong 2022.
Dahil dito, umabot na sa P344-B ang kita sa ekonomiya mula sa mga turista hanggang nitong September 30, 2023.
Samantala, bumaba sa 20% ang panukalang pondo para sa DOT sa susunod na taon.
Sa 2024, aabot sa P2.991-B ang inaprubahang budget sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) kumpara sa P3.73-B ngayong 2023. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News