dzme1530.ph

PSA, nagdeploy ng ‘PhilSys on wheels’ sa ilang remote areas sa bansa

Nagtalaga ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng “PhilSys on Wheels” sa ilang remote areas sa bansa.

Layunin nito na makapagparehistro ang mga mamamayang Pilipino na naninirahan sa malalayong lugar o Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDA).

Kabilang sa mga lugar na bahagi ng two-day mobile registration activity ang Barangay Minsubong, Tangub City sa Misamis Occidental at Barangay Gugo, Balanga sa Bataan.

Nagpasalamat naman ang psa sa malugod na pagtanggap at paglahok ng mga residente sa nasabing mga lugar, kasabay ng pagtiyak na ipagpapatuloy nila ang aktibidad sa iba pang bahagi ng bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author