dzme1530.ph

Paglalabas ng P705-M para sa active transport project ng DOTr, inaprubahan ng budget department

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng P705 million para sa funding requirement sa pagpapatupad ng active transport program ng Department of Transportation.

Gagamitin ang naturang halaga para sa implementasyon ng Active Transport Bike Share System and Safe Pathways Program sa Metropolitan areas.

Layunin ng kampanya ng DOTr na makapaglagay ng 2,400 kilometers ng bike lanes hanggang sa pagsapit ng 2028 upang makapagbigay ng ligtas na imprastraktura para sa mga siklista, mananakay, at iba pang mga gumagamit ng kalsada. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author