dzme1530.ph

DBM, inaprubahan ang paglalabas ng P50-M para sa development program ng mga magsasaka at mangingisda

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P50-M para tumulong sa mga negosyo ng mga magsasaka at mangingisda.

Ayon sa ahensya, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa P50 million na bahagi ng 2023 General Appropriations Act.

Ipinaliwanag ng DBM na ang pag-release ng pondo ay salig sa Republic Act 11321 o Sagip Saka Act na layuning palakasin ang food security sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Alinsunod sa batas, mapupunta ang pera sa farmers and Fisherfolk enterprise development program, na naka-sentro sa inclusive agri-business development, agri-preneurship capability enhancement, at enterprise development services. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author