dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawing Pinoy sa malawakang wildfire sa Maui, Hawaii, pumalo na sa 29

Sumampa na sa 29 ang bilang ng mga nasawing Pilipino o Filipino – American sa malawakang wildfire sa Hawaii makaraang madagdagan ng sampu.

Batay sa datos ng Maui Authorities, kinilala ang pitong biktima na pawang miyembro ng Quijano Family, dalawa naman mula sa Recolizado Family, at isa ang hindi pa natutukoy.

Patuloy naman na hinihikayat ng Maui Police Department ang publiko na i-report ang kanilang mga mahal sa buhay na nananatiling nawawala.

Samantala, pumalo na sa halos 100 ang kumpirmadong namatay sa “Most Tragic Wildfire” in History sa Hawaii. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author