dzme1530.ph

Budget deficit, lumobo sa P133-B noong Agosto

Umakyat sa P133-B ang budget deficit ng pamahalaan noong Agosto bunsod ng pagbaba ng revenues, batay sa datos mula sa Department of Finance.

Halos doble ito sa P72-B na fiscal gap na naitala sa kaparehong buwan noong August 2022.

Halos triple naman ito mula sa P47.8-billion gap noong Hulyo.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, bunsod ito ng 6.6% contraction sa government receipts, kabilang ang 10% growth sa expenditures.

Noong Agosto ay bumagsak ng 6.58% o sa P310.6 billion ang government revenues mula sa P332.4 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author