dzme1530.ph

Smog mula sa bulkang Taal, ‘cleared’ na —PHIVOLCS

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na “cleared” na mula sa vog ang Taal Volcano kaninang umaga.

Paliwanag ni PHIVOLCS dir. Dr. Teresito Bacolcol, nakikita na ngayon ang bulkan, hindi gaya noong September 21 hanggang kahapon, September 22 na halos zero visibility.

Pero, hindi aniya dapat makampante dahil nananatili pa ring banta ang patuloy na pagbubuga ng sulfur dioxide o asupre ng Bulkang Taal.

Mula 5 a.m kahapon, September 22 hanggang 5 a.m ngayong araw, September 23, umabot sa 2,730 tons per day ang ibinugang sulfur dioxide ng Taal Volcano, mas mababa kumpara sa 4,569 tons per day na naitala noong Huwebes, September 21. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author