dzme1530.ph

PHIVOLCS, nilinaw na walang kaugnayan ang aktibidad ng bulkan sa smog na nakikita sa ilang bahagi ng Metro Manila

Walang kaugnayan ang aktibidad ng bulkang taal sa smog na makikita sa ilang bahagi ng National Capital Region.

Ito ang nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patungo ang vog sa kanluran timog-kanluran ng Taal volcano at hindi ito papunta sa Metro Manila.

Base sa Smog Advisory, sinabi ng PHIVOLCS na nananatili ang vog sa taal region simula pa noong unang linggo ng Setyembre. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author