Humingi ng paumanhin si Pia Wurtzbach kay Ricky Lee makaraang itulak ang national artist ng security personnel sa Manila International Book Fair.
Ang naturang insidente ay nakuhanan ng video, kung saan kausap ng beauty queen si Lee subalit isa sa kanyang bodyguards ang humawi sa national artist.
Sa isang panayam, sinabi ni Lee na naging marahas ang bodyguard at sana ay naging mahinahon ito sa pagtrato sa sinuman.
Idinagdag ni Lee na hindi kinakailangan na senior citizen o national artist, subalit kung may taong nilapitan at kinamayan ni Pia, ay dapat respetuhin iyon ng bodyguard. —sa panulat ni Lea Soriano