dzme1530.ph

2 pulis at isang sibilyan, arestado dahil sa pangongotong sa transport groups sa Cavite

Arestado ang dalawang pulis at isang sibilyan dahil sa umano’y pangongotong mula sa iba’t ibang transport groups sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang dalawang Non-Commissioned Police Officers na kapwa naka-assign sa Cavite at kasama nilang sibilyan ay inakusahang nangongolekta ng buwanang bayad o “payola” mula sa mga TODA at iba pang mga grupo ng transportasyon.

Kinilala ang mga dinakip na sina Police Senior Master Sergeant Joselito Bugay, Police Staff Sergeant Dave Gregor Bautista, at John Louie de Leon.

Samantala, ang isa pang suspek na kinilalang si Edralin Gawaran na umano’y pinuno ng Bacoor Traffic Management Department ay nananatiling at large.

Sinabi ni Acorda na nasa P1.5-M ang nakokolektang “payola” ng mga suspek kada buwan o pumapatak na P170,000 kada transport group. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author