dzme1530.ph

DOJ, kumbinsidong kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc.

Naniniwala ang Dep’t of Justice na isang kulto ang Socorro Bayanihan Services Incorporated.

Sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na bukod sa ipinakilala ni Jay Rence Quilario, alyas “Senior Aguila” ang sarili bilang divine leader, tinatakot din nito ang mga miyembro na nalalapit na ang pagkagunaw ng mundo kung kayat dapat silang manirahan sa bundok.

Nakarating din aniya sa kagawaran ang pagmamaltrato, pangaabuso ng Socorro cult sa mga kabataan na sinasanay ding humawak ng mga armas para maging military agents

Nanawagan naman ang DOJ sa mga magulang ng iba pang biktima na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa Korte Suprema para sa mga kasong posible pang maidagdag at maihain sa grupo kagaya ng sex trafficking at online exploitation.

About The Author