dzme1530.ph

Executive dept., pinaghihinay-hinay sa pagpapalabas ng urgent certification sa mga panukalang batas

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Presidential Legislative Liason Office (PLLO) na magdahan-dahan sa pag-iisyu ng presidential certification sa mga panukalang batas.  

Sa pagdinig sa panukalang 2024 budget ng PLLO, iginiit ni Pimentel na dapat matiyak na hindi naabuso ang kapangyarihang ito ng ehekutibo.  

Binigyang-diin ni Pimentel na bagamat kapangyarihan ng Pangulo na magcertify ng isang panukala bilang urgent, dapat itong gawin aa panahon lamang ng kalamidad o emergency.  

Iginiit ng senador na hindi dapat inaabuso ang naturang kapangyarihan dahil posibleng mawalan na ito ng saysay sa paglipas ng panahon

Matatandaang paulit ulit na kinuwestyon ni Pimentel ang pagdedeklara sa Maharlika Investment Fund Bill bilang urgent bill dahil wala naman itong tinutugunang emergency o kalamidad. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News 

About The Author