dzme1530.ph

PNP, sorpresang nagsagawa ng drug testing sa matataas na police officials

Nagsagawa ang PNP ng surprise drug testing kanilang matataas na opisyal sa pangunguna ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa national headquarters sa Camp Crame, sa Quezon City.

Sa statement, sinabi ng PNP na ang unannounced on-the-spot drug testing ay bahagi ng command conference noong Biyernes, na dinaluhan ng 89 top-level officials mula sa PNP Command Group, directorial staff, regional directors, at national support unit directors.

Ipinaliwanag ni Acorda na ang drug testing ay hindi lamang para matukoy ang lagay ng kalusugan ng PNP Commanders kundi upang ipakita ang commitment ng pambansang pulisya sa pagpapanatili ng integridad at paglilinis sa kanilang hanay, partikular sa mga nasa command position.

Ang PNP Forensic Group ang nagsagawa ng drug tests sa mga opisyal na lahat ay pawang negatibo naman ang resulta. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author