dzme1530.ph

Pumatay sa OFW na si Jullebee Ranara, sinentensyahan ng Kuwaiti Court ng 15-taong pagkabilanggo

Kinonvict ng Kuwaiti Juvenile Court sa kasong Murder ang nasa likod ng pagpaslang sa OFW na si Jullebee Ranara.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinentensyahan ang akusado ng 15-taong pagkabilanggo para sa kasong Murder at isa pang taon para sa Driving Without License.

Ipinaliwanag ng DFA na mas magaan ang sentensya dahil menor de edad ang akusado, na mayroong 30-araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance.

Enero nang matagpuan ang sunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara sa disyerto habang inaresto ang 17- anyos na anak ng kanyang employer na umano’y gumahasa at nakabuntis sa OFW. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author