dzme1530.ph

MTRCB Chairperson Lala Sotto, nakatatanggap ng rape at death threats

Nababahala ang Movie and Television Review and Classification Board sa online attacks laban sa Chairperson ng ahensya na si Lala Sotto.

Kabi-kabilang batikos ang ibinabato ng netizens sa MTRCB, partikular kay Sotto, matapos ang isyu kaugnay ng cake-icing incident na kinasangkutan ng It’s Showtime hosts dahilan para suspindihin ang noontime show ng 12- airing days.

Kabilang umano sa mga bantang natatanggap nila ay “Explicit rape at death threats” na nakadirekta kay Sotto. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author