dzme1530.ph

Mahigit 100 Brgy., SK bets pinadalhan ng show cause order ng Comelec

Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections ang mahigit 100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election hinggil sa maagang pangangampanya.

Ayon sa Comelec, napadalhan na nila ng show cause order ang nasa 102 inireklamong BSK officials.

Nais umanong marinig ng Comelec ang paliwanag ng mga opisyal kung bakit hindi sila dapat madiskuwalipika bilang bahagi ng due process.

Ayon sa Comelec, maikukunsiderang premature campaigning ang pag-post ng tila pangangampanya sa social media, pamimigay ng mga ballers, t-shirts, at payong na may pangalan ng kandidato.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na malinaw na sa Oktubre 19 ang simula ng election campaign na magtatagal hanggang hanggang Okt. 28 lamang.

About The Author