dzme1530.ph

Lalaking tumalon mula sa mataas na gusali sa Sampaloc, Maynila, hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan

Viral ngayon sa social media ang nakalulumong eksena ng isang lalaki na walang safety gear na tumalon mula sa taas na 12 palapag ng gusali ng Leashaw Lucky Dorm na matatagpuan sa Earnshaw St., cor. Centro Ext. Brgy 405, Sampaloc, Manila.

Ayon kay Duty Imbestigator na si Police Staff Sargeant Jesus Criss Jacalne, patuloy ngayon na iniimbestigahan ang insidente at hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan maging ang motibo o dahilan ng kanyang pagtalon mula sa mataas na palapag.

Sa video, makikitang mula sa itaas na gusali ay lumabas sa kanang bahagi ng ika-apat na bintana, mula sa kaliwa ang isang lalaki na may suot na itim na longsleeve at puting short na tila nagmamadali at nakikipag-karpintero mula sa itaas na gusali, at walang kaabog-abog ng bigla itong tumalon ito na kaagad nitong ikinasawi. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author