dzme1530.ph

PBBM, nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng amang si Ferdinand Marcos Sr. sa Ilocos Norte 

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bantayog ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Batac, Ilocos Norte.  

Ito ay kasabay ng ika-106 na kaarawan ng yumaong dating pangulo ngayong Lunes, Setyembre a-11. 

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina First Lady Liza Araneta-marcos, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Joseph Simon Marcos, Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos-manotoc, at Ilocos Norte Vice Gov. Cecilia Araneta-Marcos nandoroon din sina AFP Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr., PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda, at iba pang opisyal.  

Samantala, nakiisa rin ang Pangulo at ang first family sa “Natnateng Cook-Off Showdown”, kung saan kanilang tinikman ang iba’t ibang pagkain at putahe mula sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa Ilocos Norte. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author