dzme1530.ph

Lalaking tumalon mula sa mataas na gusali ng dorm sa Maynila, hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan 

Viral ngayon ang isang lalaki na tumalon ng walang safety gear mula sa taas na 12 palapag na gusali sa Leashaw Lucky Dorm sa Earnshaw St., cor Centro Exit, Brgy 405, Sampaloc, Manila. 

Ayon sa initial report ni Police Staff Sargeant Jesus Criss Jacalne, patuloy na iniimbestigahan ng Homicide Section ng Manila Police District ang nangyaring insidente ng pagtalon mula sa nabanggit na gusali. 

Gayunman, hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin matukoy ang pagkakakilanlan at kung ano ang motibo ng kanyang pagpapatiwakal ng naturang lalaki. 

Base sa Imbestigasyon ng MPD pasado 4:20 ng hapon ng Linggo nang maitawag sa kanilang istasyon ang nasabing pangyayari ayon sa testigong si Assamudin, residente din doon. 

Kitang-kita sa video at litrato, na mula sa itaas na gusali ay lumabas sa kanang bahagi ng ika-apat na bintana ang isang lalaki na may suot na itim na longsleeve at puting short na tila nagmamadali at nakikipag patintero mula sa itaas na gusali, nang bigla na lamang walang kaabog-abog na tumalon na kaagad nitong ikinasawi. 

Marami ang nagulat sa biglaang pangyayari! na kamuntik pang mabagsakan ang isang dumaraang puting sasakyan. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author