dzme1530.ph

Inamyendahang IRR ng SIM Registration Law, target ilabas sa susunod na linggo

Target ng National Telecommunications Commission (NTC) na mailabas sa susunod na linggo ang inamyendahang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng SIM Registration Law.

Ito ay sa gitna ng walang tigil na pagkalat ng text scam sa kabila ng pagpapatupad ng batas.

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, nasisiguro niyang mare-release ang IRR sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagpupulong hinggil sa adjustments nito kasama ang National Privacy Commission.

Sa ngayon, mas pina-iigting aniya ng law enforcements ang pakikipag-ugnayan sa PNP, National Bureau of Investigation, at iba pang cybercrime bodies upang matukoy ang nasa likod ng text scams at text spams. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author