dzme1530.ph

Valenzuela LGU, hinimok ang mga witness ng “road rage” incident na tumulong sa imbestigasyon

Humihingi ng tulong sa publiko ang Valenzuela Local Government para makapangalap ng karagdagang impormasyon kaugnay sa panibagong insidente ng “road rage” na naganap sa Bignay-Punturin noong August 19, sa Valenzuela.

Nais ng Pamahalaang lungsod ng Valenzuela na imbestigahan ang nangyaring gulo para managot ang may sala.

Sa inilabas na video sa Facebook post ni Atty. Raymond Fortun, makikita ang ilang bahagi ng alitan sa daan sa Valenzuela kung saan isang lalaking motorist na nakasakay sa Toyota Fortuner ang nagkasa ng baril.

Panawagan ng Valenzuela LGU sa mga mamamayan, makipag-ugnayan sa Valenzuela City Police sa mga sumusunod na numero: 8352-4000,09064197676 (Globe) o sa 09985987868 (Smart) –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author