dzme1530.ph

Sunog, sumiklab sa isang barangay sa Parañaque City

Nasunog ang isang residential area sa Brgy. Marcelo Green, Parañaque City kaninang alas-4:34 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Sitio Kawayanan, Gawad Kalinga na gawa sa light materials.

Umakyat sa ikatlong ilarma ang sunog at idineklarang fire out alas-6:57 ng umaga.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan.

Sa ngayon, inaalam na ng BFP ang sanhi ng sunog.

About The Author