dzme1530.ph

Operasyon ng Pasig River Ferry Service balik na muli ngayong araw!

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na balik na muli ang operasyon ngayong araw, Setyembre 2, ang Pasig River Ferry Service.

Matatandaang sinuspinde ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ng ilang araw dahil sa mga pag- ulan bunsod ng masamang panahon.

Ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ay nagsisimula ng alas-7 ng umaga para sa unang biyahe nito.

Pinapayuhan ang mga pasahero na magtungo lamang alinman sa 13 istasyon:

Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author