dzme1530.ph

Budget deficit noong Hulyo, naitala sa P47.8 billion

Patuloy na nakapagtala ang pamahalaan ng budget deficit noong Hulyo, batay sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury.

Naitala sa P47.8 billion ang budget deficit noong ika-7 buwan, mas mababa ng 44.89% kumpara sa P86.4-billion deficit noong July 2022.

Pinakamababa rin ito sa loob ng tatlong buwan simula noong Abril.

Simula Enero hanggang Hulyo, naitala sa P599.9 billion ang budget deficit, mas mababa kumpara sa P761 billion na nai-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author