dzme1530.ph

Chot Reyes, inako ang responsibilidad sa winless campaign ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023

Inako ni Gilas Pilipinas Head Coach na si Chot Reyes ang buong responsibiliad sa winless campaign ng kuponan sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ay matapos ang muling pagkatalo ng Pinoy Cagers laban sa South Sudan sa iskor na 87-68 sa classification round ng torneo.

Ayon kay Reyes, paulit-ulit siyang humihingi ng paumanhin sa mga taga-suporta ng Gilas Pilipinas dahil sa pagkatalo.

Giit pa ng head coach na hindi na “learning experience” ang pagtaob ng kuponan, dahil ito ang oras na dapat sila ay manalo, subalit hindi nila nagawa.

Gayunpaman, pinuri ni Reyes ang young players ng Gilas na sina AJ Edu, Dwight Ramos, at Kai Sotto.

Samantala, isang laban na lamang ang natitira para sa Gilas Pilipinas kontra China sa nagpapatuloy na classification phase para makapasok sa 2023 Paris Olympics. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author