dzme1530.ph

18 pulis na sangkot sa iligal na droga, hindi makatatanggap ng pension

18 high-ranking police officials na nag-resign matapos masangkot sa iligal na droga ang hindi makatatanggap ng anumang benepisyo, ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda.

Sa hearing ng House Approppriations Committee, sinabi ni Acorda sa mga mambabatas na ang mga naturang pulis ay nagbitiw na at wala na sa serbisyo simula pa noong July 21.

Hindi rin aniya makatatanggap ang mga ito ng pension benefits.

Una nang inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos na posibleng sampahan nila ng mga kaso ang mga opisyal ng PNP na umano’y sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author