dzme1530.ph

Search and rescue ops sa lalaking inanod matapos tumalon sa Marikina River, magpapatuloy!

Magpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga opisyal ng Marikina Rescue 161 sa katawan ng lalaking inanod makaraang tumalon sa Ilog Marikina, sa kasagsagan ng malakas na agos ng tubig dala ng masamang panahon, kahapon.

Nabatid na ipinagpaliban ang paghahanap sa lalaki kagabi dahil sa malakas na ulan at pangambang malagay sa alanganin ang mga rescuer.

Ayon sa Marikina Rescue 161, ikakasa nila ang operasyon ngayong umaga sakaling bumaba ang tubig sa Marikina River.

Sa ngayon, nasa 14.5 meters ang tubig sa ilog batay sa huling datos na inilabas ng Marikina PIO.

About The Author