dzme1530.ph

15 katao patay matapos masunog ang isang establisimyento sa QC

Aabot sa 15 indibidwal ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Plaisant View Subdivision, Kennedy Drive, Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, 3 katao ang nakaligtas mula sa nasunog na warehouse.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na nagsimula kaninang alas-5:30 at idineklarang fire out bandang alas 8:04 ng umaga.

Sinabi ng isa sa tatlong nakaligtas sa sunog na si Maria Fe Farle, na nakalabas siya sa bintana mula sa kwarto ng bahay ng kanyang amo na may ari ng pagawaan o printing shirt.

Aniya, kasama sa nakaligtas ang isang nagngangalang John Francisco Ochoco habang kasama sa nasawi ang kanyang amo at iba pang mga nagtatrabaho na stay-in.

Paliwanag ng BFP, tinupok ng apoy ang unahang bahagi ng bahay sa compound, nasa likurang bahagi anila nito ang sinasabing pagawaan, kung saan naka-imbak ang mga tela kung kaya’t nahirapang makalabas ang iba pa nitong kasamahan dahilan ng kanilang pagkasawi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang pinagmulan ng sunog at ang pagkakakilanlan ng mga biktima. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News

About The Author