dzme1530.ph

COC filing sa NCR, Abra, Ilocos Norte para sa 2023 BSKE, suspendido —Comelec

Suspendido ngayong araw, Aug. 31, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Metro Manila, Abra, at Ilocos Norte dahil sa masamang panahon.

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na wala munang pasok sa lahat ng tanggapan ng ahensya sa mga nasabing lugar, bunsod ng malakas na pag-ulan at pagbaha na dala ng bagyong Goring.

Dahil dito, palalawigin ng Comelec ang COC filing sa NCR, Abra, at Ilocos Norte hanggang sa Sept. 3.

Nabatid na nagsimula ang paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo para sa Barangay at SK Elections noong Lunes, Aug. 28, at gaganapin naman ang halalan sa Okt. 30. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author