dzme1530.ph

Labi ni DMW Sec. Ople, nasa DMW office na para sa public viewing bago ang kanyang cremation

Nasa tanggapan na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City, ang labi ng namayapang si DMW Sec. Susan “Toots” Ople., para sa public viewing bago ito i-cremate.

Idinaos ang misa sa DMW ngayong Martes ng umaga, na pinangunahan ni Father Jerry Orbos.

Matatandaang kahapon ay dinala sa Malakanyang ang labi ni Ople para sa necrological service at public viewing.

Mananatili namang bukas ang public viewing sa lobby ng DMW hanggang ala-1:00 ng hapon mamaya para sa mga nais magpaabot ng huling pamamaalam kay Ople.

Pagkatapos nito ay ike-cremate na ang labi ng namayapang kalihim. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author