dzme1530.ph

Barangay Chairman sa Albay, patay sa pamamaril matapos maghain ng COC

Patay ang isang Barangay Chairman sa lalawigan ng Albay makaraang pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay, ilang oras makaraang maghain ng Certificate of Candidacy para sa October 30 Barangay Elections.

Kinilala ang biktima na si Alex Repato, Chairman ng Barangay San Jose sa Bayan ng Libon.

Papasok na umano si Repato sa kaniyang bahay, dakong ala-5 ng hapon, kahapon, nang pagbabarilin ng salarin na naka-angkas sa motorsiklo.

Nabatid na alas-11 ng umaga nang maghain ng COC ang biktima bilang re-electionist sa nalalapit na halalang pambarangay.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa politika ang motibo sa krimen. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author