dzme1530.ph

Dating pulis na nag-viral ang video matapos kasahan ng baril ang isang biker, dinismiss sa serbisyo dahil sa kaparehong paglabag

Napag-alaman na nadismiss mula sa serbisyo noong 2017 dahil sa kaparehong paglabag ang dating pulis na nag-viral sa social media matapos maglabas at kasahan ng baril ang isang biker sa Quezon City.

Ayon kay PNP Spokesperson Pol. Col. Jean Fajardo, batay sa kanilang records ay nagretiro mula sa serbisyo si Wilfredo Gonzales noong 2016, subalit na-dismiss ito noong 2017 bunsod ng grave misconduct.

Sinabi ni Fajardo na mayroong nakaalitan dati si Gonzales na magkakapatid sa kanilang lugar at gaya ng sa siklista ay naglabas din ito ng baril.

Tiniyak ng PNP na handa silang tulungan ang biker na sangkot sa viral road rage incident, sakaling magpasya ito na magsampa ng kaso laban kay Gonzales.

Idinagdag ni Fajardo na dahil sa pinakahuling insidente ay perpetually disqualified na si Gonzales na magmay-ari at magbitbit ng baril. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author