dzme1530.ph

Lisensya ng baril ng lalaking nag-amok sa isang siklista, irerevoke ng PNP

Hinahanda ng Philippine National Police ang pagrerevoke ng lisensya ng baril sa lalaking kinasahan ng baril ang siklista nakaalitan nito sa Welcome Rotonda Q.C.

Ayon Kay Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, nang napanood ang video na nagviral sa social media ay agad na inalam ng PNP kung sino ang lalaking nagkasa ng baril sa kanyang nakaalitan siklista.

Napag-alaman ng PNP na dati itong miyembro ng pambansang pulisya na kinilalang si Wilfredo Gonzales at nadismiss nuong 2018.

Dagdag ni Maraman, hinugot na ng PNP ang mga dokumento ni Gonzales at sinuspindi na ang kanyang mga lisensya sa tatlong baril na pag-aari nito.

Kapag tuluyang narevoke ang lisensya ni Gonzales ay hindi na muli itong makakakuha ng lisensya kailanman. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author