dzme1530.ph

Lovi Poe, ikinasal na!

Ikinasal na si Lovi Poe sa kanyang fiance na film producer na si Monty Blencowe sa United Kingdom.

Nagpalitan ng vows ang dalawa sa isang seremonya na ginanap sa Cliveden House sa England, na isang storied landmark na itinayo noong 1666 ng Second Duke of Buckingham.

Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay ang mag-inang Senador Grace Poe at Brian Poe Llamanzares, celebrity couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho, mga aktres na sina Bela Padilla at Rhian Ramos, at Eventologist na si Tim Yap. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author