dzme1530.ph

Pura Luka Vega, nangangalap ng donasyon para sa mga gagastusin sa kanyang court hearings

Nanghihingi umano ng donasyon ang controversial drag artist na si Pura Luka Vega para sa haharaping kaso sa Setyembre.

Sa post ng Philippine Drag Updates, ipinaliwanag nito na gagamitin ang pondong malilikom para sa transportasyon at pagkain ni Pura sa pagdalo sa hearings ng kabilaang reklamo laban sa kanya.

Wala pang inilalabas na kumpirmasyon si Pura kung siya nga ba talaga ang nasa likod ng donation drive.

Gayunman, ilang netizen na ang sumubok na i-scan ang QR Code na naka-attach sa naturang post ay mismong initials ng totoong pangalan ni Pura ang lumalabas sa recipient.

Nabatid na naging usap-usapan si Pura dahil sa panggagaya nito sa imahe ni Kristo at sa ginawang pagtatanghal gamit ang remix ng kantang ‘Ama Namin’. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author