dzme1530.ph

Pagpapalawig ng voucher system sa basic education, solusyon sa classroom congestion

Nais ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian na palawakin ang voucher system bilang solusyon sa problema sa pagsisikip ng mga silid-aralan sa mga public schools bunsod ng pagdami ng mga estudyante lalo na sa mga urban areas.

Sinabi ni Gatchalian na ang expanded voucher system ang maituturing na agarang solusyon sa public school congestion kumpara sa pagtatayo ng mga silid aralan na matatagalan pa bago matapos.

Nais ni Gatchalian na palawakin din ang voucher system para sa Kindergarten hanggang Grade 6.

Sa kasalukuyang voucher system, saklaw ang mga senior high school learners sa ilalim ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP).

Ipinaliwanag ni Gatchalian na kung mayroong maayos na voucher system na wastong naipapatupad ay hindi na kakailanganing magtayo pa ng dagdag na mga silid-aralan.

Bibigyan na lamang anya ng voucher ang mga mag-aaral para mag-enrol sa pinakamalapit na pribadong paaralan na ‘least congested’ para makapasok doon gamit ang voucher at doon magaaral.

Inirekomenda ng senador na i-divert ang ibang resources ng pamahalaan para magamit sa pagpapalawak ng voucher system na makakatulong sa pagsisikip ng mga klasrum sa mga pampublikong paaralan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author