Natitiyak ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na namamayagpag pa rin ang mga scammer sa bansa.
Matatandaang, nagtapos noon pang July 25 ang SIM Registration ng pamahalaan na naglalayong masawata ang paglaganap at pag-atake ng mga kawatan gamit ang cellphones.
Ayon kay PNP-ACG Spokesperson, Police Captain Michelle Sabino, nagpapatuloy pa rin ang sumbong na kanilang natatanggap na mensahe na nag-aalok ng trabaho na may malaking suweldo.
Batay sa kanilang monitoring ay bagaman nabawasan, ay hindi pa rin napigilan ng SIM Registration ang mga scammer dahil tuloy pa rin ang ginagawa nilang aktibidad.
Kasabay nito, hindi naman tumitigil ang PNP-ACG sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga telecommunications company (telcos) kung paano ito mareresolba. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News