dzme1530.ph

PNP, pinaalalahanan ang mga pulis na bawal mag-selfie sa gitna ng kanilang duty sa world cup

Pinagbawalan ang mga miyembro ng PNP na itinalaga para magbantay sa FIBA World Cup na mag-selfie o magpa-litrato kasama ang mga atleta o personalidad ng international basketball tournament.

Pinaalalahanan ang mga pulis na manatiling naka-focus sa kanilang tungkulin na panatilihin ang peace and order sa event.

Nasa 3,000 tauhan mula sa National Capital Region Police Office at Central Luzon Police ang tutulong sa mga team ng traffic enforcers at iba pang personnel.

Gaganapin ang opening ceremonies ngayong Biyernes sa Philippine Arena sa Bulacan, habang ang ibang mga laro ay gaganapin sa MOA Arena sa Pasay City at sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author