dzme1530.ph

Bilang ng mga Pinoy na nasawi sa wildfires sa Hawaii, umakyat na sa anim

Dalawa pang Pilipino ang napabilang sa listahan ng mga nasawi mula sa wildfires na tumama sa lahaina sa isla ng Maui, sa Hawaii.

Bunsod nito, umakyat na sa anim ang kumpirmadong bilang Filipino casualties sa Maui wildfires.

Opisyal na kinumpirma ng Maui County ang pagkakakilanlan nina Salvador Coloma, 77- taong gulang at Carlo Tobias, 54-taong gulang.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang iba pang miyembro ng pamilya ni Coloma, kabilang ang kanyang asawa na si Lydia, at mga kamag-anak na sina Joel Villegas, Adela Villegas, Junmark Quijano, Felimon Quijano, luz bernabe, at Glenda Yabes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author