dzme1530.ph

Former DBM OIC at Usec. Tina Marie Rose Canda, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 61 si former Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge at Undersecretary Tina Marie Rose Canda, matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.

Inanunsyo ng DBM na sumakabilang si Canda kagabi, Agosto a-23, na kasabay din sana ng ika-41 anibersaryo ng kanyang pagtatrabaho sa kagawaran.

Si Canda ay nagsilbing OIC ng DBM mula Agosto 2021 hanggang Hunyo 2022, na kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inilarawan ng DBM si Canda bilang isang napakahusay na lider na may matatag at maaasahang karakter sa kabila ng pagiging mahinahon.

Kasabay ng pakikiramay ay nagpasalamat ang DBM sa 40 taong serbisyo ni Canda at ang legasiya ng mga iniwan niyang polisiya, practices, at solidong work ethics sa ahensya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author