dzme1530.ph

DOLE, ini-imbestigahan na ang aksidente sa QC City Hall na ikinasawi ng 1 construction worker

Iniimbestigahan na ng Dep’t of Labor and Employment ang pagguho ng isang pader sa Quezon City Hall na ikinamatay ng isang construction worker habang tatlong iba pa ang nasugatan.

Ayon kay Occupational Safety and Health Center Executive Director Ma. Teresita Cucueco, bumisita na sa lugar ang mga tauhan ng DOLE-NCR upang magsagawa ng pagsisiyasat.

Kung makikitaan umano ito ng mga paglabag, magsusumite ang Regional Office ng kanilang findings.

Kasabay nito’y tiniyak ni Cucueco na bahagi ng tungkulin ng DOLE ang imbestigahan ang mga aksidente sa workplace.

Pinapayuhan din ang mga manggagawa o kung sinumang nais magsumbong ng mga establisimiyentong hindi sumusunod sa Occupational Safety and Health Standards, na dumulog sa pinaka-malapit na Field Office ng DOLE. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author