dzme1530.ph

Hirit na dagdag pasahe ng transport sector, dapat ikunsidera ng gobyerno

Naniniwala si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na may pangangailangang ikunsidera ang hirit na dagdag pasahe ng transport sector.

Ito ay kahit posibleng magdulot ng pagtaas ng inflation rate ang hinihinging fare hike.

Sinabi ni Revilla na sa kanyang pananaw ay makatarungan at may basehan ang hinihinging dagdag sa pasahe ng ilang transport group dahil nitong nakaraang apat na linggo ay halos sampung piso na ang itinaas ng presyo ng krudo.

Ipinaliwanag pa ni Revilla na papasok na ang BER months kung kailan historically ay tumataas pang lalo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Bukod dito, patuloy din anya ang pagbabawas ng Saudi ng production ng langis nang 1 milyong bariles kada araw.

Nangangamba rin ang senador na wala pang naaaninag na pag asa na  matatapos na ang

Russia-Ukraine crisis na isa sa mga sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author