dzme1530.ph

Rihanna at A$AP Rocky, winelcome ang kanilang 2nd baby

Winelcome ng Barbadian Actress/Singer na si Rihanna ang second baby nila ng American Rapper na si ASAP Rocky.

Ayon sa kampo ni Rihanna, nagsilang ang singer ng baby boy noong August 3 sa Los Angeles.

Hindi pa nire-reveal ng couple ang buong pangalan ng kanilang bagong baby, pero nagbigay ng clue ang dalawa na nagsisimula ito sa letter “R”.

Nabatid na noong June pa huling nagpakita si Rihanna sa concert stage, nang mag-globetrotting sila ni Rocky at medyo hindi pa halata ang kanyang baby bump.

Pebrero ngayong taon naman nang opisyal na ianunsyo ni Rihanna ang kanyang pagbubuntis sa kanilang ikalawang supling habang siya ay nasa Super Bowl Halftime Show. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author