dzme1530.ph

Blended Learning, muling ipatutupad sa mga ekwelahang nasira ng bagyong Egay

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na kung hindi pa maisasaayos bago mag-pasukan ang mga silid-aralang sinira ng bagyong Egay, muli nilang ipatutupad ang Blended Learning System.

Sa chance interview sa pag-arangkada ng Brigada Eskwela sa V. Mapa High School sa Maynila, sinabi ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na prayoridad nila ang paglalaan ng pondo para sa pagkukumpuni sa mga classroom na sinira ng bagyo.

Gayunman, kung hindi ito makukumpleto bago ang pagsisimula ng klase sa August 29 ay kaagad ipatutupad ng mga paaralan ang Blended Learning Program.

Ito ay upang matiyak na magpapatuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-aaral.

Sang-ayon naman dito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngunit nilinaw nito na pansamantalang solusyon lamang ang blended learning na unang ipinatupad noong kasagsagan ng mga lockdown.

Samantala, sinabi rin ni Marcos na pinag-aaralan na ang posibleng pagbabalik ng dating schedule ng school year. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author