dzme1530.ph

Command responsibility, dapat isaalang-alang para ilantad ang katotohan sa PNP operations

Inilatag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang panuntunan para masunod ang sistema na dapat sundin ng Philippine National Police (PNP).

Sa Pulong Balitaan sa Camp Crame, ini-angat ni Abalos ang kahalagahan ng command responsibility sa PNP na nakasaad sa Executive Order no. 226.

Dagdag ni Abalos, mahalagang batayan ang command responsibility para mailabas ang tunay na katotohanan sa lahat ng operasyon ng PNP.

Ito rin aniya ang sukatan kung nasusunod ang alituntunin ng bawat miyembro ng kapulisan at maiwasan ang pagtatago sa totohanan.

Kasama rin sa pagpupulong ang command group na kinabibilangan ni Gen. Rodel Sermonia, Gen. Michael Dubria at Gen. Jose Nartatez ng NCRPO.

Isinagawa ang pagpupulong kaugnay sa nangyaring pagpaslang sa isang binatilyo sa Navotas City dahil sa mistaken identity. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author