dzme1530.ph

Pagbili ng submarine, pinaplano ng AFP

Nangangailangan ng mas malaking pondo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa Modernization Program.

Ayon kay AFP chief of staff Romeo Brawner Jr., hihilingin nila ito sa Kongreso sa gitna ng agresibong pagkilos ng China.

Kabilang sa kakailanganin ng AFP para sa Modernization Program ay mga barko, eroplano, drones at air defense system.

Kailangan din aniya ng isang submarine kung kakayanin ng pondo.

Nabatid na bukod tangi ang Pilipinas na walang submarine sa Southeast Asia na ginagamit para mapalakas ng seguridad sa karagatan.

Sinabi rin ni Brawner na kahit ang mga pribadong sektor ay maaaring magbigay ng suporta sa militar partikular na sa kanilang mga programa. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author