dzme1530.ph

Gastos ng mga kandidato sa BSKE, pinalilimitahan ng COMELEC

Pinaalalahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.

Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco ang tagapagsalita ng COMELEC, hanggang P5 lamang para sa bawat rehistradong botante ang maaaring gastusin ng mga kandidato para sa pangangampanya sa BSKE.

Ipinaalala rin ng COMELEC na kailangang magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang lahat ng naging kandídato.

Itinakda ng COMELEC ang huling araw ng pagsusumite ng SOCE hanggang Nobyembre 29, 2023.

Magsisimula ang filing ng certificate of candidacy (COCs) sa Agosto a-28 hanggang Setyembre a-2 at idaraos ang halalan sa Oktubre a-30 ngayong taon.

Ayon sa komisyon, maaaring makuha ang form ng COC sa official website ng COMELEC.

About The Author