dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa ika-28 Anibersaryo ng National Youth Commission

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa ika-28 Founding Anniversary ng National Youth Commission (NYC).

Sa video message, pinuri ng Pangulo ang NYC para sa mga inisyatibo sa pagtitipon-tipon sa mga lider ng Sangguniang Kabataan, mula sa ROTC Corps commanders, government cadets mula sa PMA, PNPA, PMMA, PPSA, at officer candidates ng Philippine Army, Air Force, at Coast Guard.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na patuloy na nagkakaisa ang lahat para gabayan at bigyang-inspirasyon ang kabataang Pilipino tungo sa pagpapatatag ng republika, pagtulong sa panahon ng kalamidad at sakuna, at paglaban sa recruitment ng kabataan para maging rebelde.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan, kung saan magmumula ang mga makabagong lider para sa makabagong Pilipinas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author