dzme1530.ph

Mas maraming taxpayers, makikinabang sa pinalawig na amnestiya sa pagbabayad ng Estate Tax

Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na darami pa ang makikinabang sa pinalawig na Tax Amnesty matapos na mag “lapse into law” o maging ganap na batas ang Estate Tax Amnesty Extension Act.

Ayon sa chairman ng Senate Committee on Ways and Means, tinatayang aabot sa 153,518 na taxpayers ang madagdag sa mag-aapply sa Tax Amnesty.

Dahil dito, inaasahan makakalikom ng P6.15-B na dagdag kita para sa gobyerno mula sa makokolektang buwis.

Ayon kay Gatchalian, mas marami ang makikinabang sa pagbabayad ng Estate Tax sa ilalim ng batas lalo na ang mga limitado lang ang kakayahang pinansyal.

Bukod dito, ang buwis na makokolekta mula rito ay inaasahang magagamit sa mga proyekto ng pamahalaan na magpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 11569 ay pinapalawig ang period ng pag-avail ng tax amnesty ng dalawang taon o hanggang June 14, 2025.

Pinapalawig din ang sakop ng Tax Amnesty para sa mga tagapagmana na may namayapang kaanak mula May 31, 2022 pababa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author